Welcome to Siemens Airsoft Forum
 
HomeFAQMemberlistUsergroupsSearchRegisterLog in

Share | 
 

 ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES

Go down 
AuthorMessage
wIcked
Sargeant
Sargeant
avatar

Posts : 161
Join date : 2007-10-25
Location : Quezon City

PostSubject: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Sat Nov 17, 2007 11:29 am

Drama lang..boredom.. hehe
tongue

-----------------


This Side Up : ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES
Contributed by noringai (Edited by mananalaysay)
Monday, November 15, 2004 @ 12:01:25 AM
Print | Send

www.peyups.com




In my previous article, I wrote about the lessons that I learned from kakikayan. The nail polish taught me that everything in this world is temporary. The pair of shoes made me realize that I shouldn't settle and I learned from a beaded anklet that you can't force something or someone to be what it/he/she isn't supposed to be.



Because there is a "not-so-little" Imelda in me, and that I have gazillion pairs of shoes, it is not surprising that I learn more of life's valuable lessons from shoes. Here's my all I really need to know I learned from shoes learnings..





A.The overused shoes

When I went to Davao for a Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I've ever had. It was a blue-and-white slip-ons with a flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!



Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos dahil napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach!



Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.



Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.



Lesson learned: Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."





B. The "maganda siya pero masakit" shoes

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa. Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.



Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng sapatos na iyun.



Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?

Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.



Lesson learned: Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailan man.





C. The shoes that got away

May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!



Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na yun.



Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.



Lesson learned: Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.





Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko.
Back to top Go down
View user profile
SPECS
Moderator
avatar

Posts : 193
Join date : 2007-09-07

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Sat Nov 17, 2007 3:06 pm

hehehe,,
Back to top Go down
View user profile
Flip
Lieutenant
Lieutenant
avatar

Posts : 288
Join date : 2007-10-24
Location : Pasig City

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Sat Nov 17, 2007 10:56 pm

maya ko to basahin pag avail.. hehehe..
Back to top Go down
View user profile
mico82
Private
Private
avatar

Posts : 89
Join date : 2007-10-24
Location : Marikina - Antipolo

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Sun Nov 18, 2007 12:51 am

Wala bang summary? Smile
Back to top Go down
View user profile
Pumba D'Great
Sargeant
Sargeant
avatar

Posts : 152
Join date : 2007-10-24
Location : QC- BACK of ABS CBN

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Sun Nov 18, 2007 6:51 pm

mico82 wrote:
Wala bang summary? Smile

Lagi kang ng hihingi ng summary HEHEHEHEHHE nung isang post ka pa!

_________________
" I may not be GOOD but I am the GREATEST!"
Back to top Go down
View user profile
wIcked
Sargeant
Sargeant
avatar

Posts : 161
Join date : 2007-10-25
Location : Quezon City

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Mon Nov 19, 2007 12:26 pm

summary? tingnan mo nalang yung lesson learned Smile hehe
Back to top Go down
View user profile
Flip
Lieutenant
Lieutenant
avatar

Posts : 288
Join date : 2007-10-24
Location : Pasig City

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Mon Nov 19, 2007 12:34 pm

eto lang masasabi ko.. lahat ng bagay, pwede mo irelate sa real life.. take airsoft for example.. marami ako pwdeng analogies na maiisip from airsoft.. sa thursday natin pagusapan.. hehehe..
Back to top Go down
View user profile
wIcked
Sargeant
Sargeant
avatar

Posts : 161
Join date : 2007-10-25
Location : Quezon City

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Mon Nov 19, 2007 1:43 pm

may point ka. pero sige ha. ayusin mo baka matalo ka lang sa debate. haha.
Back to top Go down
View user profile
kaizoku-ou
Private
Private
avatar

Posts : 53
Join date : 2007-10-26
Age : 37
Location : Fuusha Village

PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   Mon Dec 03, 2007 12:22 am

hehe.. nice one dwannie..
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES   

Back to top Go down
 
ALL I REALLY NEED TO KNOW I LEARNED FROM SHOES
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Sally Pearson - learned a lot from painful past
» Usain Bolt says he's learned from his 2010 mistakes
» Bloodgate - what have we learned?
» Piking Lessons learned in 2009
» Some info i learned about the 2015 models.

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Off Topic :: Message Board-
Jump to: